Tag Archives: Quran

Surah 1 al-Fatihah (Ang Panimula)

Sa ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Ang lahat ng papuri ay kay Allah, Panginoon ng sandaigdigan Ang Pinakamapagpala,ang Pinakamaawain Ang Hari (Tanging may kapangyarihan na magpasya) sa Araw ng Paghuhukom Ikaw lamang (po) ang aming sinasamba at Ikaw lamang … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 108 al-Kawthar (Ang Ilog Kawthar)

Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Katotohanang Aming pinagkaloob sa iyo (Oh Muhammad) ang Kawthar (malaking biyaya) Kaya manalangin ka sa iyong Panginoon at magsakripisyo [mag-alay] Sa katunayan, ang mga namumuhi (nagagalit) sa iyo (Oh Muhammad) ang hindi bibiyayaan.  

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 109 al-Kafirun (Ang mga hindi nananampalataya)

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Sabihin (mo Oh Muhammad) “O kayong mga hindi nananampalataya Ako ay hindi sumasamba sa inyong sinasamba At hindi ninyo sinasamba ang aking sinasamba At hindi ko sasambahin ang inyong sinasamba At hindi … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 111 al-Masad (Ang himaymay ng puno ng Palmera)

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Maglaho (nawa) ang mga kamay ni Abu Lahab, at maglaho (nawa) siya mismo. Ang kanyang kayamanan at ang kanyang mga naipundar ay walang saysay o kapakinabangan sa kanya  [hindi makakatulong sa kanya] … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 112 Surah al-Ikhlas (Ang Kadalisayan)

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Siya ang Allah, ang Nag-iisa Ang Walang Hanggan [ang lahat ng pangyayari ay nakasalalay sa pagpapasya ng Allah] Hindi Siya nanganganak at hindi ipinanganak At walang maaaring ihambing … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Comments Off on Surah 112 Surah al-Ikhlas (Ang Kadalisayan)

Surah 113 al-Falaq (Ang Bukang Liwayway)

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang Liwayway (madaling Araw) [katulad ng kahulugan na humihingi ng proteksyon] Mula sa kasamaan ng Kanyang nilikha At mula sa kasamaan ng gabi … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Comments Off on Surah 113 al-Falaq (Ang Bukang Liwayway)

Surah 114 An-Nas (Ang Sangkatauhan)

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan [katulad ng kahulugan na humihingi ng proteksyon] Ang Hari [o tagapamahala] ng sangkatauhan Ang Diyos ng sangkatauhan Mula sa kasamaan ng … Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment