Surah 1 al-Fatihah (Ang Panimula)

bismillah

  1. Sa ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain
  2. Ang lahat ng papuri ay kay Allah, Panginoon ng sandaigdigan
  3. Ang Pinakamapagpala,ang Pinakamaawain
  4. Ang Hari (Tanging may kapangyarihan na magpasya) sa Araw ng Paghuhukom
  5. Ikaw lamang (po) ang aming sinasamba at Ikaw lamang (po) ang hinihingan namin ng tulong.
  6. Patnubayan Mo (po) kami sa wastong landas
  7. Ang landas ng Iyong mga pinagpala at hindi sa landas ng mga naligaw (mga hindi nagsisunod sa patnubay)

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 108 al-Kawthar (Ang Ilog Kawthar)

bismillah

Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Katotohanang Aming pinagkaloob sa iyo (Oh Muhammad) ang Kawthar (malaking biyaya)
  2. Kaya manalangin ka sa iyong Panginoon at magsakripisyo [mag-alay]
  3. Sa katunayan, ang mga namumuhi (nagagalit) sa iyo (Oh Muhammad) ang hindi bibiyayaan.

 

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Maikling Kasaysayan ng Islam sa Pilipinas

Posted in Kasaysayan | Tagged , , , , , | Leave a comment

Surah 109 al-Kafirun (Ang mga hindi nananampalataya)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Sabihin (mo Oh Muhammad) “O kayong mga hindi nananampalataya
  2. Ako ay hindi sumasamba sa inyong sinasamba
  3. At hindi ninyo sinasamba ang aking sinasamba
  4. At hindi ko sasambahin ang inyong sinasamba
  5. At hindi ninyo sasambahin ang aking sinasamba
  6. Sa inyo ang inyong relihiyon at sa akin ang aking relihiyon“
Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 110 al-Nasr (Ang pagtulong)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. (Muhammad) Kapag dumating ang tulong ni Allah at ang tagumpay
  2. At makita mo ang napakalaking grupo ng mga tao na yumayakap (pumapasok) sa relihiyon ni Allah
  3. (Sa oras na iyon) Ipagbunyi mo ang papuri sa iyong Panginoon at hingin mo ang kanyang pagpapatawad. Siya ay tunay na mapagpatawad.
Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , | Leave a comment

Surah 111 al-Masad (Ang himaymay ng puno ng Palmera)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Maglaho (nawa) ang mga kamay ni Abu Lahab, at maglaho (nawa) siya mismo.
  2. Ang kanyang kayamanan at ang kanyang mga naipundar ay walang saysay o kapakinabangan sa kanya  [hindi makakatulong sa kanya]
  3. Siguradong mapupunta siya sa naglalagablab na apoy.
  4. Pati na rin ang kanyang asawa, ang tagapagdala ng kahoy (na panggatong)
  5. Sa leeg niya [ng asawa ni Abu Lahab] ay nakasuot ang lubid na gawa mula sa himaymay ng puno ng Palmera.
Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Surah 112 Surah al-Ikhlas (Ang Kadalisayan)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Siya ang Allah, ang Nag-iisa
  2. Ang Walang Hanggan [ang lahat ng pangyayari ay nakasalalay sa pagpapasya ng Allah]
  3. Hindi Siya nanganganak at hindi ipinanganak
  4. At walang maaaring ihambing sa Kanya (wala Siyang katulad)”
Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Comments Off on Surah 112 Surah al-Ikhlas (Ang Kadalisayan)

Surah 113 al-Falaq (Ang Bukang Liwayway)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang Liwayway (madaling Araw) [katulad ng kahulugan na humihingi ng proteksyon]
  2. Mula sa kasamaan ng Kanyang nilikha
  3. At mula sa kasamaan ng gabi (kadiliman) kapag ito ay lumalaganap
  4. At mula sa kasamaan ng mga nagsasagawa ng pangkukulam kapag sila ay umiihip sa mga buhol (o sa mga nakabuhol)
  5. At mula sa kasamaan ng mga maiinggiting kapag sila ay naiinggit.”
Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Comments Off on Surah 113 al-Falaq (Ang Bukang Liwayway)

Surah 114 An-Nas (Ang Sangkatauhan)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan [katulad ng kahulugan na humihingi ng proteksyon]
  2. Ang Hari [o tagapamahala] ng sangkatauhan
  3. Ang Diyos ng sangkatauhan
  4. Mula sa kasamaan ng tukso [halimbawa ng tukso ay si Satanas]
  5. Na bumubulong [sa puso o dibdib] ng mga tao
  6. Na kasama ng mga Jinn * at ng mga tao.”

Continue reading

Posted in Ang Banal na Quran | Tagged , , , , , , | Leave a comment