Surah 114 An-Nas (Ang Sangkatauhan)

bismillah

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

  1. Sabihin (mo Oh Muhammad!) “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan [katulad ng kahulugan na humihingi ng proteksyon]
  2. Ang Hari [o tagapamahala] ng sangkatauhan
  3. Ang Diyos ng sangkatauhan
  4. Mula sa kasamaan ng tukso [halimbawa ng tukso ay si Satanas]
  5. Na bumubulong [sa puso o dibdib] ng mga tao
  6. Na kasama ng mga Jinn * at ng mga tao.”

*Ang Jinn ay isang uri ng nilalang ng Allah (SWT) bukod pa sa mga tao, hayop, kalikasan at iba pa. Kagaya din ng ay may kalayaan ang mga Jinn na sumunod o lumabag sa pag-uutos ng Diyos, ang Jinn ay nasa paligid natin pero hindi tayo binigyan ng Diyos na makita sila.

This entry was posted in Ang Banal na Quran and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.